Profit Share Bonus - The rules of the program

  1. Pangkalahatang patakaran
    1. Ang Profit Share Bonus ay dagdag na pondo na pwedeng matanggap ng kliyente kapag nagdeposito siya ng kahit magkano sa account niya, at pwede itong magamit kapag may drawdown.
    2. Pwedeng makatanggap ng bonus ang mga Cent at Standard account sa MT4 at MT5 (hindi kasali sa program ang mga ECN account).
    3. Hindi pwedeng makatanggap ng bonus ang mga account na may iba pang aktibong dagdag na pondo.
    4. Awtomatikong ibibigay ang bonus sa account ng kliyente kapag nagdeposito siya sa kanyang trading account, basta't pinili ng kliyente ang opsyon na "Profit Share Bonus" kapag kinukumpleto ang form sa pagdedeposito.
    5. Matatanggap lang ang bonus kapag nagdeposito ang Kliyente sa account niya sa pamamagitan ng awtomatikong sistema sa pagdedeposito na nasa Members Area. Hindi kasali sa program ang iba pang paraan ng pagdedeposito.
    6. Ang kabuuang halaga ng Profit Share Bonus sa iisang account (depende sa currency ng account) ay hanggang 10,000 USD / 10,000 EUR / 65,000 CNY / 7,800 GOLD.
    7. Ang pinakamalaking halaga ng Profit Share Bonus sa lahat ng accounts (depende sa currency ng account) na pagmamay-ari ng iisang kliyente ay hanggang 20,000 USD / 20,000 EUR / 130,000 CNY / 15,600 GOLD.
  2. Paggamit ng Profit Share Bonus
    1. Kung sakaling may aktibong bonus ang Kliyente sa kanyang account, hahatiin sa iba't-ibang parte ang pondo sa account: ang sariling pondo ng Kliyente at ang dagdag na pondo.
    2. Ang kabuuang pondo ng Kliyente ay nakukuha mula sa pag-multiply ng equity ng account at ang halaga ng sariling pondo ng Kliyente.
    3. Ang halaga ng dagdag na pondo ay nakukuha mula sa pag-multiply ng equity ng account at ang porsyento ng bawat bonus.
    4. Ginagamit ang ratio nitong dalawang parte sa iba pang kalkulasyon. Kakalkulahin ulit ang ratio pagkatapos magbago ang balanse (deposito na may bonus o wala / pag-withdraw) at sa bawat pagkakataon na nakansela ang Profit Share Bonus o nakumpleto ang mga kinakailangan sa program.
      1. Tuwing magdedeposito ang Kliyente sa account niya, ang idinepositong halaga ay idadagdag sa sariling pondo ng Kliyente. Ang halaga ng Profit Share Bonus ay magiging parte ng bagong porsyento, na ihihiwalay bago makansela ang bonus o kapag nakumpleto ang kailangang trading volume.
      2. Tuwing magwi-withdraw ng pondo ang Kliyente sa account niya, ang kabuuang halaga na iwi-withdraw ay ibabawas sa sariling pondo ng Kliyente.
      3. Pagkatapos makumpleto ng Kliyente ang kailangang trading volume, ang halaga ng bonus ay idadagdag sa sariling pondo ng Kliyente.
    5. Pwedeng gamitin sa pag-trade ang sariling pondo ng Kliyente at ang bonus nang walang limitasyon o paghihigpit. Sa ganitong kaso, pwedeng magamit ang dagdag na pondo kapag may drawdown, o sa madaling salita, hindi ito tatanggalin sa account kung ang equity ng account ay mas mababa kaysa sa bonus hanggang sa magkaroon ng stop-out.
    6. Ang kita na makukuha ng Kliyente ay hahatiin ulit sa pagitan ng sariling pondo ng Kliyente at dagdag na pondo sa kanyang account alinsunod sa kasalukuyang ratio.
    7. Kung sakaling may drawdown, gagamitin ang sariling pondo ng Kliyente at ang dagdag na pondo alinsunod sa kasalukuyang ratio.
    8. Ang detalyadong impormasyon tungkol sa pondo sa account, ang alokasyon nito sa pagitan ng sariling pondo ng Kliyente at ng dagdag na pondo, at ang kasaysayan ng muling paghahati-hati ng pondo pagkatapos magbago ang balanse ay makikita sa pahina ng "Dagdag na pondo" mula sa iyong Members Area. Para sa mas detalyadong impormasyon, i-click ang "Higit pa".
    9. Ang halagang pwedeng i-withdraw nang hindi nakakansela ang bonus at ang halaga na pwedeng i-withdraw pagkatapos nitong makansela ay awtomatikong kakalkulahin at ipapakita sa Members Area, sa page kung saan ka nagre-request na mag-withdraw ng pondo.
  3. Pag-withdraw ng pondo mula sa account na may aktibong Profit Share Bonus
    1. Ang kabuuang halaga ng deposito na nakatanggap ng Profit Share Bonus ay pwedeng i-withdraw pagkatapos makansela ang bonus o kung nakumpleto ang kailangang trading volume.
    2. Hangga't hindi pa nakukumpleto ang kailangang trading volume, pwedeng i-withdraw ng Kliyente ang sarili niyang pondo (tingnan ang 2.2) na binawasan ng kabuuang halaga ng deposito na nakatanggap ng dagdag na pondo at aktibo pa sa panahong iyon.
    3. Kung sakaling may aktibong Profit Share Bonus sa account ng Kliyente, ang kabuuang halagang pwedeng i-withdraw ay kakalkulahin alinsunod sa 2 sumusunod na formula:

      <Sum_out> = <Equity> - <Extra_money> - <Deposits_with_active_Profit_Share>

      o

      <Sum_out> = <Own_money> - <Deposits_with_active_Profit_Share>

      kung saan:

      Sum_out - ang kabuuan ng pondong pwedeng i-withdraw.

      Equity - ang pondo sa account ng Kliyente.

      Own_money - ang sariling pondo ng Kliyente (tingnan ang 2.2).

      Extra_money - ang kabuuang dagdag na pondo (tingnan ang 2.3).

      Deposits_with_active_Profit_Share - ang kabuuang deposito na nakatanggap ng dagdag na pondo.

  4. Pagkumpleto ng mga kailangan, kanselasyon, at pag-write off ng Profit Share Bonus
    1. Ang kabuuan ng Profit Share Bonus at ang deposito na nakatanggap ng dagdag na pondo ay pwede lamang i-withdraw pagkatapos maabot ng Kliyente ang trading volume (sa standard lots) na katumbas ng:

      <Bilang ng lots> = <Ang kabuuan ng Profit Share Bonus na nasa USD*> / 2

      * - Kung sakaling nagdeposito ng ibang currency ang Kliyente sa account niya, iko-convert ang pondo sa USD alinsunod sa panloob na currency rate ng Kumpanya.

    2. Kapag kinakalkula ang trading volume para sa pagkumpleto ng mga kailangan sa bonus program, isasaalang-alang namin ang transaksyon sa lahat ng available na currency pairs at metals na na-open at na-close pagkatapos matanggap ang bonus. Kapag kinakalkula ang kailangang trading volume para sa pagkumpleto ng mga kondisyon ng program, hindi isasama ang mga transaksyon sa CFDs at crypto.
    3. Kapag nakansela ang bonus habang nasa drawdown ang account, tatanggalin ang halaga ng bonus na matitira sa account.
    4. Kapag nagkaroon ng stop-out, tatanggalin lamang ang halaga ng bonus na matitira sa account ng Kliyente.
    5. May karapatan ang Kliyente na kanselahin anumang oras ang bonus na matatanggap niya sa kanyang Members Area. Sa ganitong kaso:
      1. Kung ang kabuuan ng kasalukuyang bonus ay mas mataas kumpara sa dati, tatanggalin ang kabuuang halaga ng kasalukuyang bonus mula sa account ng Kliyente.
      2. Kung ang kabuuan ng kasalukuyang bonus ay mas mababa kumpara sa dati (nasa drawdown ang bonus), tatanggalin ang halaga ng bonus na matitira sa account.
      3. Pwede nang i-withdraw ang kabuuang deposito na nakatanggap ng bonus.
    6. May karapatan ang RoboForex na baguhin ang patakaran ng program sa pamamagitan ng pagbibigay ng abiso sa mga kliyente nito.

    Pakitandaan na napakahalagang kondisyon ng program ang karapatan ng RoboForex na tanggihan ang pagbibigay ng Profit Share Bonus o bawiin ang bonus na pondo mula sa account ng Kliyente nang hindi nagbibigay ng paunang abiso o anumang dahilan.

Halimbawa ng kalkulasyon

  1. Paano napipigilan ng Profit Share Bonus ang drawdown

    Nagdeposito ka ng 1,000 USD sa account mo at nakatanggap ka ng bonus na 500 USD (50%). Heto ang porsyento at kabuuang halaga ng pondo na pwedeng i-withdraw:

    Equity ng accountAng porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondoAng porsyento at kabuuang halaga ng bonusPondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonusPondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus
    Equity ng account 1,500*Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo66.67% (1,000)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus33.33% (500)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus1,000 – 1,000 = 0Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus1,500 – 500 = 1,000

    Pagkatapos, nagbukas ka ng iba't-ibang position na kasalukuyang may floating na pagkalugi na 1,300 USD. Ang equity ng account ay 200 USD, na mas mababa sa kabuuan ng mga aktibong bonus.

    Sa ganitong kaso hindi tatanggalin ang Profit Share Bonus at pwede itong makatulong para mapigilan ang drawdown.

    Pagkatapos magbago ang sitwasyon ng market, kumita ang mga position mo ng 300 USD. Hindi pwedeng i-withdraw ang bahagi ng pondong ito (alinsunod sa porsyento ng bonus). Ang magiging alokasyon ng pondo sa account ay:

    Equity ng account 1,800*Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo66.67% (1,200)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus33.33% (600)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus1,200 – 1,000 = 200Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus1,800 – 600 = 1,200

    *Nasa USD ang lahat ng kalkulasyon.

  2. Paano abutin ang kailangang trading volume

    Nagdeposito ka ng 500 USD sa account mo at nakatanggap ka ng bonus na 125 USD (25%). Heto ang porsyento at kabuuang halaga ng pondo na pwedeng i-withdraw:

    Equity ng accountAng porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondoAng porsyento at kabuuang halaga ng bonus 1Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus 2Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonusPondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus
    Equity ng account 625*Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo80% (500)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus 120% (125)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus 2-Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus500 – 500 = 0Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus625 – 125 = 500

    May mga ginawa kang iba't-ibang trades at kumita ka ng 600 USD.

    Equity ng account 1,225Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo80% (980)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus 120% (245)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus 2-Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus980 – 500 = 480Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus1,225 – 245 = 980

    Pagkatapos, nagdeposito ka ulit sa account mo, na ngayon naman ay 1,000 USD, at nakatanggap ka ng pangalawang bonus na 500 USD (50%). Pakitandaan na hahatiin na sa tatlong parte ang equity ng account tulad ng nakalagay sa ibaba:

    Equity ng account 2,725Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo72.66% (1,980)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus 18.99% (245)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus 218.35% (500)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus1,980 – 1,000 – 500 = 480Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus2,725 – 245 – 500 = 1,980

    May mga ginawa ka pang iba't-ibang trades at kumita ka ng 300 USD, at ang kabuuang trading volume ng account mo ay 63 lots na. Ibig sabihin, naabot mo ang kailangang trading volume para sa unang bonus, at ang kabuuang halaga ng bonus mo ay magiging parte ng sarili mong pondo.

    Sa panahong ito, ang porsyento nitong bonus ay idadagdag sa porsyento ng sarili mong pondo, at hindi na ipatutupad ang paghihigpit sa pag-withdraw ng idinepositong halaga na nakatanggap ng bonus. Ngayon, ang balanse sa account mo ay:

    Equity ng account 3,025Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo81.65% (2,469.91)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus 1NakumpletoAng porsyento at kabuuang halaga ng bonus 218.35% (555.09)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus2,469.91 – 1,000 = 1,469.91Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus3,025 – 555.09 = 2,469.91

    *Nasa USD ang lahat ng kalkulasyon.

  3. Pag-withdraw ng pondo na may aktibong Profit Share Bonus sa account

    Nagdeposito ka ng 500 USD sa account mo at nakatanggap ka ng bonus na 125 USD (25%). Heto ang porsyento at kabuuang halaga ng pondo na pwedeng i-withdraw:

    Equity ng accountAng porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondoAng porsyento at kabuuang halaga ng bonusPondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonusPondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus
    Equity ng account 625*Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo80% (500)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus20% (125)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus500 – 500 = 0Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus625 – 125 = 500

    May mga ginawa kang iba't-ibang trades at kumita ka ng 600 USD.

    Equity ng account 1,225Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo80% (980)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus20% (245)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus980 – 500 = 480Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus1,225 – 245 = 980

    Nagdesisyon kang i-withdraw ang lahat ng pondong pwede mong i-withdraw nang walang bonus na nakakansela (480 USD). Pakitandaan na ang mawi-withdraw na pondo ay ibabawas sa sarili mong pondo at pagkatapos nito, kakalkulahin ang porsyento ng sarili mong pondo at ang bonus. Pagkatapos mag-withdraw, ang magiging alokasyon ng pondo sa account ay ang sumusunod:

    Equity ng account 745Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo67.11% (500)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus32.89% (245)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus500 – 500 = 0Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus745 – 245 = 500

    Sa ginawa mong iba't-ibang trades, kumita ka ng dagdag na 500 USD. Pakitandaan na hahatiin ang kita sa pagitan ng sarili mong pondo at ng bonus, alinsunod sa bagong porsyento nito. Bilang resulta, ganito ang magiging balanse ng account mo:

    Equity ng account 1,245Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo67.11% (835.52)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus32.89% (409.48)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus835.52 – 500 = 335.52Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus1,245 – 409.48 = 835.52

    *Nasa USD ang lahat ng kalkulasyon.

  4. Anong mangyayari sa Profit Share Bonus kung sakaling may stop-out

    Nagdeposito ka ng 1,000 USD sa account mo at nakatanggap ka ng bonus na 500 USD (50%). Una, ang porsyento at halaga ng pondo na pwedeng i-withdraw ay:

    Equity ng accountAng porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondoAng porsyento at kabuuang halaga ng bonusPondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonusPondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus
    Equity ng account 1,500*Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo66.67% (1,000)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus33.33% (500)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus1,000 – 1,000 = 0Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus1,500 – 500 = 1,000

    Nag-open ka ng iba't-ibang position na nagresulta sa pagkalugi. Habang naka-open ang mga position, hindi tatanggalin ang bonus mula sa account kahit na maging mas mababa ang equity kumpara sa kabuuan ng dagdag na pondo.

    Kinalaunan, naabot ng margin ng account ang halaga ng stop-out at ili-liquidate ang mga position sa pagkalugi na 1,450 USD. Ang pondo sa account ay tutukuyin bilang:

    Equity ng account 50*Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo66.67% (33.33)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus33.33% (16.67)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus33.33 – 1,000 = 0Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus50 – 16.67 = 33.33

    Pagkatapos ng stop-out ang aktibong halaga ng bonus na natitira sa account ay tatanggalin sa account alinsunod sa patakaran 4.4 ng program.

    Equity ng account 33.33*Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo100% (33.33)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonusNa-write offPondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus33.3Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus-

    *Nasa USD ang lahat ng kalkulasyon.

  5. Anong mangyayari kung sakaling nagka-drawdown at nakansela ang Profit Share Bonus

    Nagdeposito ka ng 1,000 USD sa account mo at nakatanggap ka ng bonus na 500 USD (50%). Una, ganito ang porsyento at kabuuang halaga ng pondo na pwedeng i-withdraw:

    Equity ng accountAng porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondoAng porsyento at kabuuang halaga ng bonusPondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonusPondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus
    Equity ng account 1,500*Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo66.67% (1,000)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus33.33% (500)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus1,000 – 1,000 = 0Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus1,500 – 500 = 1,000

    May mga ginawa kang iba't-ibang trades na nagresulta sa pagkalugi na 800 USD. Ang balanse ng account mo ay ang sumusunod:

    Equity ng account 700Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo66.67% (466.69)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus33.33% (233.31)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus466.69 – 1,000 = 0Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus700 – 233.31 = 466.69

    Kung nagdesisyon kang kanselahin ang bonus habang naka-drawdown ang account, alinsunod sa artikulo 4.2.2 ng patakaran ng program, tanging ang halaga ng bonus na matitira sa account at tatanggalin mula dito. Pagkatapos makansela ang Profit Share Bonus, matitira na lang sa account mo ang sarili mong pondo, na pwedeng i-withdraw anumang oras.

    Equity ng account 466.69Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo100% (466.69)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonusNakanselaPondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus466.69Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus-

    *Nasa USD ang lahat ng kalkulasyon.

  6. Halimbawa ng alokasyon ng sarili mong pondo at ng bonus

    Nagdeposito ka ng 1,000 USD sa account mo nang hindi nakakatangagp ng Profit Share Bonus. Nag-open ka ng iba't-ibang position na kasalukuyang may floating na pagkalugi na 800 USD. Ang equity ng account ay 200 USD.

    Nagdeposito ka ng 500 USD sa account mo at nakatangagp ka ng bonus na 250 USD (50%). Pakitandaan na pagkatapos nitong deposito, ang kabuuang halaga ng sarili mong pondo sa account ay 700 USD, dahil idadagdag ang sarili mong deposito (500 USD) sa kasalukuyang equity ng account (200 USD). Hindi kasali ang balanse ng account sa anumang pagkalkula ng porsyento para sa Profit Share Bonus program.

    Dahil dito, ang balanse ng account ay ang sumusunod:

    Equity ng accountAng porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondoAng porsyento at kabuuang halaga ng bonusPondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonusPondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus
    Equity ng account 950*Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo73.68% (700)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus26.32% (250)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus700 – 500 = 200Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus950 – 250 = 700

    Pagkatapos magbago ang sitwasyon ng market, kumita ng 100 USD ang positions mo. Ang kinita mo mula sa trades mo mula sa panahong natanggap mo ang bonus ay 900 USD (dahil na-liquidate ang drawdown kasabay ng floating na kita).

    Ang kita ay hahatiin sa pagitan ng sarili mong pondo at ng dagdag ng pondo alinsunod sa porsyento nito:

    Equity ng account 1,850*Ang porsyento at kabuuang halaga ng sariling pondo73.68% (1,363.08)Ang porsyento at kabuuang halaga ng bonus26.32% (486.92)Pondong pwedeng i-withdraw kung walang makakanselang bonus1,363.08 – 500 = 863.08Pondong pwedeng i-withdraw kung sakaling may makakanselang bonus1,850 – 486.92 = 1,363.08

    *Nasa USD ang lahat ng kalkulasyon.