Simulang kopyahin ang mga nangungunang istratehiya

Sumali sa CopyFX! Maghanap at kumopya ng mga nangungunang istratehiya habang kinokontrol mo nang buo ang pera mo.

Magsimulang Kumopya

Pumili mula sa

libo-libong opsyon

3 simpleng hakbang

para magsimulang mag-copy trade

Magrehistro ng account sa RoboForex at magdeposito ng pera

Tingnan ang ratings at pumili ng magaling na istratehiya

Mag-subscribe sa loob ng dalawang click

Magsimula na

Kontrolado mo ang lahat

kapag kumokopya ng istratehiya

Ligtas ang pera

Ligtas na nakatago sa account mo ang in-invest mong pera at tanging ikaw lang ang makaka-access dito.

Mano-manong pamamahala

Ihinto ang pagkopya, ipatupad ang mga pending na order sa mga nakopyang trades, o mano-mano itong kopyahin.

Nababago-bagong pagkopya

Kumopya ng trades nang may naiibang ratio para pataasin ang potensyal mong kumita o babaan ang risk.

Magbasa pa

Kumopya ng trades nang may kumpiyansa sa CopyFX

Subukan ang sistema sa copy trading na idinisenyo para makapag-ugnayan nang mas mahusay ang traders.

Isang komunidad sa trading na lumago sa loob ng sampung taon

Maa-access sa MetaTrader 4/5 at R StocksTrader

Transparent at maaasahang sistema sa pag-rate

Walang dagdag na singil sa paggamit

Alamin pa ang tungkol sa copy trading

Ang CopyFX ay isang sistema sa copy trading kung saan pwedeng makipag-ugnayan ang users at kopyahin ang istratehiya ng isa't-isa.

Pwedeng i-share ng traders ang mga istratehiya nila sa copy trading at kumita ng komisyon mula sa kita na nakuha ng mga nag-subscribe sa kanila.

Pwede ring maging subscriber ang mga trader, sundan ang mga miyembro na may mataas na rating, at kumita nang hindi nag-iinstall ng trading terminal.

Ang CopyFX ay magagamit mismo sa RoboForex, kaya hindi na kailangan ng dagdag na software.

Isa lang ang ibig sabihin ng copy trading at social trading. Parehas nitong tinutukoy ang isang sistema kung saan pwedeng gayahin ng isang user ang istratehiya ng iba. Sa ganitong paraan, pwedeng matawag na "social trading system" ang CopyFX.

Pwede sa copy trading ang kahit anong account sa RoboForex, maliban sa mga demo account. Basahin dito ang iba pang klase ng mga account.

Tips sa pagpili ng account

  1. Pwede ang copy trading sa lahat ng platforms ng RoboForex: MetaTrader 4, MetaTrader 5, at R StocksTrader. Kaya lang, hindi pwedeng kumopya ng mga istratehiya na nasa ibang platform.

    Kapag pumipili ng istratehiya na kokopyahin, tingnan ang ginagamit na platform ng gumawa nito, at magbukas din ng gano'ng account.

  2. Mas mainam kapag mas tugma ang settings ng account mo (hal., klase ng account, base currency, leverage) sa napili mong trader.
  3. Kung hindi ka sigurado kung paano magsisimula, magbukas ng Pro account sa MetaTrader 4. Dahil isa 'to sa mga pinakasikat na accounts sa CopyFX, mas marami kang pagpipiliang istratehiya nang hindi nakokompromiso ang pagkakatugma ng mga account.

Gamitin ang rating ng trader para i-filter at salain ang traders batay sa mga aspeto tulad ng:

  • Kita o pagkalugi (kabuuang kinita ng isang istratehiya)
  • Pinakamalaking drawdown (% ng equity na mas mababa kaysa sa balanse ng account)
  • Pagbukas ng account, araw (kung ilang araw nang na-share ng trader ang istratehiya nila sa CopyFX)
  • Mga investor (kung ilang investor ang nag-subscribe sa kanila)

Ang copying mode ay ang setting na pipiliin mo kapag nagsa-subscribe ka sa isang istratehiya. Gumagamit ito ng partikular na ratio para matukoy ang volume ng trade na kokopyahin mula sa istratehiya papunta sa account mo.

Mga klase ng copying mode:

  1. Proporsyonal. Kinokopya ang trades depende sa naka-adjust na volume na batay sa equity ng kinokopyang trader at sarili mong equity noong panahong ginawa ang trade.
  2. Classic. Eksaktong kinokopya ang volume ng trade na itinatakda ng trader, na may opsyon na i-multiply ito sa isang partikular na ratio (hindi isinasaalang-alang ang equity).
  3. Fixed. Kinokopya sa account mo ang eksaktong volume na itatakda mo bilang ratio, anuman ang volume o equity ng trader.

Halimbawa ng copying modes:

Proporsyonal

Halimbawa 1:
Naglagay ka ng multiplier (ratio) na 1.00.
Equity ng Trader = 2,000 USD
Equity mo = 5,000 USD
Volume ng orihinal na trade = 2.50 lots
Volume ng kinopyang trade = 6.25 lots (1 * 2.5 * (5,000/2,000))

Dahil mas mataas ang equity mo, mas mataas rin ang volume ng magiging trade.

Halimbawa 2:
Naglagay ka ng multiplier (ratio) na 2.50.
Equity ng Trader = 8,000 USD
Equity mo = 2,000 USD
Volume ng orihinal na trade = 2.00 lots
Volume ng kinopyang trade = 1.25 lots (2.5 * 2 * (2,000/8,000))

Tandaan: Dahil mas mababa ang equity mo, kahit na mas malaki ang iyong multiplier, mas maliit pa rin ang magiging volume ng kinopyang trade kumpara sa volume ng orihinal na trade.

Classic

Halimbawa 1:
Naglagay ka ng multiplier (ratio) na 0.50.
Volume ng orihinal na trade = 2.50 lots
Volume ng kinopyang trade = 1.25 lots (2.5 * 0.5)

Halimbawa 2:
Naglagay ka ng multiplier (ratio) na 2.00.
Volume ng orihinal na trade = 0.75 lots
Volume ng kinopyang trade = 1.50 lots (2 * 0.75)

Fixed

Halimbawa 1:
Naglagay ka ng ratio na 0.10.
Volume ng orihinal na trade = 0.83 lots
Volume ng kinopyang trade = 0.10 lots

Halimbawa 2:
Naglagay ka ng ratio na 1.50.
Volume ng orihinal na trade = 0.79 lots
Volume ng kinopyang trade = 1.50 lots

Mahalagang patakaran:

  1. Ang ratio o multiplier ng volume ay pwedeng mula 0.01 hanggang 100.00 at pwedeng itakda sa hanggang dalawang decimal place.
  2. Kung lumagpas ang volume ng trade sa pinakamababa o pinakamataas na pinapayagang saklaw ng instrument, kailangan itong baguhin papunta sa pinakamalapit na valid na volume (maliban na lang kung ginamit ang opsyon na "round down").
  3. Kung ang volume ng trade ay hindi tugma sa volume step ng instrument, ira-round ito sa pinakamalapit na valid na volume batay sa settings ng pag-round mo.

Pwede mong pamahalaan ang mga subscription mo sa Members Area. Sa bawat istratehiya na naka-subscribe ka, pwede mong:

  1. Ihinto ito. Pagkatapos ma-enable ang Ihinto na mode:
    • Hindi makokopya sa account mo ang bagong trades mula sa istratehiya
    • Mananatiling bukas ang lahat ng trades na kinopya bago ang sandaling iyon at iko-close kapag nagdesisyon ang may-ari ng istratehiya na i-close ito
    • Makakasama ka pa rin bilang aktibong subscriber sa istratehiya na ito
  2. Kanselahin ito
    • Ang lahat ng trades na kinopya bago ang puntong iyon ay mananatiling naka-open at buong-buo mong makokontrol
    • Ang anumang komisyon na ipapataw sa mga na-close na trades ay ibabawas sa account mo sa loob ng ilang minuto pagkatapos itigil ang pag-subscribe

Publikong ilalagay ng mga trader na magsi-share ng mga istratehiya nila sa CopyFX ang kanilang komisyon, at malalaman mo ito bago ka mag-subscribe. Ang pinakasikat na klase ng komisyon ay ang Singil sa Performance, kung saan magbabayad ka ng porsyento ng kabuuan mong kita sa trader.

Magbasa pa tungkol sa mga klase ng komisyon dito.

Itatago sa account mo ang ibabayad na komisyon hanggang ilipat ito sa trader sa katapusan ng pag-iinvest o pagkatapos kanselahin ang subscription.

Pwede kang mag-withdraw ng pera mula sa account mo anumang oras kahit na may aktibo kang subscription. Ang halagang hindi mo lang pwedeng i-withdraw ay ang komisyon na nakalaan pero hindi pa naililipat sa account ng trader.