Paano at saan ko pamamahalaan ang aking mga subscription?

Madali mong ma-manage ang iyong mga active subscriptions sa Members Area. Para sa bawat strategy na sinusundan mo, may dalawang options:

1. I-pause ang Subscription

Kapag ni-pause mo: 

  • Ang mga bagong trades mula sa Trader ay hindi na makokopya sa account mo. 
  • Ang mga existing trades (nakopya bago i-pause) ay mananatiling bukas at susunod pa rin sa Trader – awtomatiko silang magsasara kapag isinara ng Trader. 
  • Mananatili ka pa ring nakalista bilang active subscriber ng strategy na ito.
    Magandang option ito kung gusto mong magpahinga nang hindi tuluyang nagdi-disconnect.

2. Kanselahin ang Subscription

Kapag kinansela mo: 

  • Lahat ng dating nakopyang trades ay mananatiling bukas, pero ikaw na ang may full control sa pag-manage at pagsasara nito. 
  • Anumang outstanding commission para sa mga trades na naisara na ay awtomatikong ika-kaltas sa loob ng ilang minuto matapos ang pagkansela.


Magandang choice ito kung handa ka nang tuluyang tumigil sa pagkopya ng strategy.

Nakatulong ba ito?