Paano gumagana ang payouts para sa swap?

Sa Infinity Program, kikita ang RoboForex Partners ng 30% ng swap fees sa mga position na i-o-open ng mga ni-refer nilang kliyente.

Heto ang isang madaling halimbawa kung paano ito tumatakbo:

  • Nag-open ang kliyente ng 1 lot ng EURUSD noong Lunes at na-close niya ito noong Biyernes
  • 0.93 pips ang swap sa pagkakaroon ng long position sa EURUSD
  • Ang pip size para sa EURUSD ay 0.0001
  • Ang volume ng position ay 1 lot, at ang laki ng contract para sa EURUSD ay 100,000 EUR
  • Dahil hinawakan ng 4 na gabi ang position, papatawan ito ng 3-araw na swap (kabilang ang swap noong Miyerkules)


Busisiin natin:


1. Ang swap kada gabi ay -0.93 pips.
2. I-multiply ito sa pip size (0.0001), isang lot, laki ng contract (100,000 EUR), at bilang ng swaps na ipapataw (6).
3. Ang parte mo bilang Partner ay 30% ng kabuuang halaga ng swap.


Kalkulasyon:
0.93 x 0.0001 x 1 x 100,000 x 6 x 30% = 16.74 USD

Kaya naman, magkakaroon ka ng komisyon na 11.16 USD bilang Partner para sa swap fees na galing sa position ng kliyente mo.

Tandaan: kapag gumagamit ng ibang currency pair o instrument sa pagkalkula, ang resulta ay palaging nasa currency ng quote o ng instrument. Halimbawa, ang resulta nitong formula para sa GBPAUD ay palaging nasa AUD.

Nakatulong ba ito?