Paano ka magti-trade sa account na may netting accounting model?
Kapag nagti-trade sa netting account model, pwede ka lang magkaroon ng isang open position kada instrument. Kaya naman:
- Kung may dalawa kang orders sa iisang direksyon, tataas ang open position
- Kung nag-open ka ng dalawang order na may kaparehong volume pero sa magkabilang direksyon, iko-close ang kasalukuyang order at walang i-o-open na panibago
- Kung ang bagong order ay baliktad sa kasalukuyang order at mas mataas ang volume nito, babaliktarin ang kasalukuyang position sa kabilang direksyon
- Kung ang bagong order ay baliktad sa kasalukuyang order at mas maliit ang volume nito, bababa ang volume ng kasalukuyang position
Paano ka magti-trade sa account na may hedging accounting model?
Kapag nagti-trade sa hedging account model, pwede kang mag-open ng kahit ilang position na gusto mo sa magkabaliktad na direksyon kada instrument, basta’t may sapat na margin para i-open at panatilihin ito.
Kung may open order ka na sa isang instrument at gusto mong mag-open ng isa pa, magkakaroon ka ng higit sa isang open position. Di kagaya ng netting model, sa hedging model, walang impluwensya sa mga kasalukuyang position ang pag-open ng bagong position sa isang instrument.