1. Paggamit ng trading calculator
2. Ayon sa formula
Kinakalkula ang margin gamit ang sumusunod na formula:
Margin = Laki ng contract / Leverage
Kung saan:
Ang laki ng contract ay tumutukoy sa volume ng order na nasa base currency ng trading instrument (ang unang currency sa ticker). Ang volume ng 1 lot para sa lahat ng currency pairs ay palaging 100,000 units ng base currency ng instrument.
Tumutukoy ang leverage sa antas ng leverage.
Halimbawa:
Bumili ka ng 1 lot ng EURUSD.
Currency ng account: EUR
Leverage: 1:100
Margin = 100,000 / 100 = 1,000 EUR
Kung magkaiba ang currency ng account mo at ang base currency ng account, kailangan mong i-convert ang halaga ng margin papunta sa currency ng account mo, sa naaangkop na exchange rate noong in-open ang position.
Halimbawa:
Bumili ka ng 1 lot ng EURUSD.
Currency ng account: USD
Margin sa base currency ng asset: 1,000 EUR
Kasalukuyang exchange rate ng EURUSD: 1.2345
Margin = 1,000 x 1.2345 = 1,234.50 USD