Ang leverage ay ang ratio sa pagitan ng sariling pera ng kliyente at ang hiniram niyang pera mula sa broker.
Halimbawa, sa leverage na 1:100, para makapag-execute ng transaksyon, kailangang 100 beses na mas maliit ang balanse sa account ng kliyente kumpara sa kabuuang halaga ng transaksyon.
Tingnan natin ang isa pang halimbawa:
Kung pinili ng kliyente ang leverage na 1:500 at may €200 sa kanyang account, magagamit niya ‘tong leverage para bumili ng contract na nagkakahalaga ng €100,000. Ang kailangang margin para sa transaksyong ito ay €100,000 ÷ 500 = €200, na kumakatawan sa pera na nasa account ng kliyente.
Sa kabilang banda, kung 1:1 ang leverage ng account (walang leverage), kakailanganin ng kliyente ang buong €100,000 sa kanyang account para makabili ng contract na nagkakahalaga ng €100,000 (€100,000 ÷ 1 = €100,000).
Nag-iiba ang leverage depende sa klase ng account at trading instrument. Pwede mong pag-aralan dito ang magagamit na leverage sa bawat klase ng account.
Kung may fixed leverage ang isang partikular na instrument, makikita ito sa column ng “Fixed leverage” sa Contract Specifications.