Subukan ang MobileTrader, isang portable terminal na nagbibigay-daan para magamit mo ang lahat ng klase ng MetaTrader 4 accounts mula sa anumang Android mobile device. I-download...
Ang MetaQuotes MetaTrader ay isang trading terminal na may kumpletong features at nagbibigay-daan para makapag-trade ka gamit ang kahit anong mobile device na tumatakbo sa Android OS.
Sa MetaQuotes MetaTrader (Android), magkaka-access ka sa financial markets at magagamit ito kasabay ng MetaTrader 4 at MetaTrader 5 terminals para sa PC.
 | Sa MetaQuotes MetaTrader para sa MT4/MT5 accounts, masusubaybayan mo ang sitwasyon ng market at kikita ka sa pag-trade gamit ang Android smartphones o iba pang device na tumatakbo sa ilalim ng Android operating system. |
Ang MetaQuotes MT4/5 (Android) ay may mga sumusunod na features:
- Real-time na quotes sa financial instruments
- Pag-open at pag-close ng anumang klase ng instant at market order: Buy Stop, Sell Stop, Buy Limit, Sell Limit, Stop Loss, Take Profit
- Real-time na interaktibong charts na may zoom at scroll, 9 na timeframe sa MT4 at 7 timeframe sa MT5, 3 klase ng chart (bars, line charts, Japanese candlesticks)
- Direktang pag-trade mula sa chart, at makikita sa chart ang lebel at volume ng trade
- 30 technical indicators
- Pagsubaybay ng mga open position, balanse ng account, at kumpletong kasaysayan ng trade
- Offline mode na nagbibigay ng access sa mga quote, chart, kasalukuyang trading position, at kasaysayan ng trade kahit na walang koneksyon sa internet
- Kaunting traffic
- Pagbubukas ng demo account sa loob ng isang minuto
- Pagkakataong makatanggap ng push notifications
Pwede mong i-download at i-install ang MetaQuotes MetaTrader terminal para sa MT4/MT5 accounts sa iyong Android device at pag-aralan ang mga katangian nito.
Tandaan na tumatakbo ang Android Trader sa Android OS 4.0 o mas bago.
Pag-install ng MetaQuotes MT4/5 terminal (Android) para sa mga MT4 account
 | Para ma-install ang MetaQuotes MetaTrader para sa MetaTrader 4 accounts, pumunta sa page nito sa Google Play, i-download ang app, at i-install ito. |
Pag-install ng MetaQuotes MT4/5 terminal (Android) para sa mga MT5 account
 | Para ma-install ang MetaQuotes MetaTrader para sa MetaTrader 5 accounts, pumunta sa page nito sa Google Play, i-download ang app, at i-install ito. |
Pagbukas ng MetaQuotes:
Para simulang gamitin ang mobile trading platform, kailangan mong:
- Buksan ang MetaTrader 4/5 app sa Android mobile device mo.
- Piliin ang "Mag-login sa kasalukuyang account".
- Ilagay ang isa sa anim na trading server: RoboForex-ECN, RoboForex-Pro, RoboForex-ProCent, RoboForex-Fix, RoboForex-FixCent, RoboForex-Demo.
- Ilagay ang numero ng account at ang password.
Kung wala ka pang RoboForex account at gusto mong magbukas ng demo account, gawin ang mga sumusunod:
- Piliin ang "Magbukas ng demo account".
- Ilagay ang server na "Roboforex-Demo".
- Ilagay ang personal na impormasyon at detalye ng account mo.
Interface ng MetaQuotes MetaTrader (Android)





