Mga Tuntunin at Kundisyon ng RoboForex VPS Server

  1. Libre ang RoboForex VPS server pero magagamit lang ito kung ang equity ng trading account mo ay mas mataas sa 300 USD (bukod sa mga aktibong bonus) o sa katumbas na halaga nito sa ibang currency.
  2. Para magamit ang libreng VPS sa pag-trade, kailangang mag-execute ng mga kliyente ng hindi bababa ng 3 standard lots sa kanilang trading account. Hindi kasama ang trading volume sa CFD instruments, kabilang ang CFDs sa US stocks.
  3. Kung hindi sapat ang trading volume, magagamit ng mga kliyente ang VPS server sa buwanang singil na 5 USD. Para bayaran 'tong serbisyo, kailangang piliin ng kliyente ang "I-renew ang VPS" o "Awtomatikong i-renew" sa page ng "Iyong VPS 2.0 server" sa Members Area. Ang singil para sa serbisyo sa susunod na buwan ay ibabawas mula sa USD wallet ng kliyente 5 araw bago magtapos ang kasalukuyang buwan. Kung walang sapat na pondo sa wallet ng kliyente sa araw na iyon, magtatangka ang sistema na singilin ito sa huling araw ng buwan. Kung wala pa ring sapat na pondo, idi-disable ang serbisyo sa unang araw ng susunod na buwan.
  4. Kung ibinigay ang access sa libreng VPS server pagkatapos ng ika-15 araw ng buwan, ang kasunod na singil ay kukwentahin simula sa unang araw ng sumunod na buwan.
  5. Kung hindi sapat ang trading volume ng kliyente sa loob ng isang buwan sa kalendaryo, idi-disable ang VPS server. Para mapatakbo ulit ang serbisyo, bukod sa kailangang equity na 300 USD, kailangan ring makumpleto ang kailangang trading volume na hindi bababa ng 3 lots, na walang limitasyon sa oras (ang kalkulasyon ng trading volume ay magsisimula sa buwan kung kailan na-disable ang serbisyo at magpapatuloy ito sa mga kasunod na buwan).
  6. Nagbibigay lang kami ng access sa mga investment server at website ng RoboForex at hindi maa-access ang iba pang bahagi ng internet. Gayunpaman, pwedeng mag-download at mag-install ang mga kliyente ng anumang software na kailangan para makapag-trade sa VPS server.
  7. Makakatanggap ang mga kliyente ng buong access sa VPS server gamit ang Administrator password. Mula sa puntong iyon, tanging ang kliyente lang ang responsable sa resulta ng kanyang mga kilos.
  8. Ang VPS server ay para lamang sa mga account ng kliyente at hindi sa mga trading account ng partners.
  9. May karapatan ang RoboForex na tanggihan ang paggamit ng VPS server ayon sa sarili nitong pagdedesisyon.