Mga Kondisyon ng Subscription

Ang iyong subscription conditions ang pangunahing settings na nagde-define ng offer mo sa potential Investors. Sinet mo ito kapag nagsimula ka bilang Trader sa Copy Trading, at maaari mo itong i-update kung kailangan.

✅ Main Settings:

1. Commission Scheme at Rate

Pumili kung paano ka kikita mula sa Investors:

  • Performance Fee – % ng profit ng Investor (5%–50%)
  • No Commission – nagte-trade nang walang fee

2. Investment Period

Tagal bago mo matanggap ang commission:

  • 1 linggo
  • 2 linggo
  • 4 linggo

3. Partner Program

Payagan ang iba na i-promote ang strategy mo. Mag-set ng Partner commission rate mula 10% hanggang 90%.

⚙️ Extra Settings:

1. Minimum Deposit (USD)

Minimum na halaga na kailangan ng Investor para makasubscribe.

2. Subscription Mode para sa Investors

  • Instant – kahit sino ay puwedeng mag-subscribe agad
  • By Request – ikaw ang mag-aapprove ng bawat subscription. Maaari ka ring mag-tick ng Show in Rating para makita ng iba ang strategy mo.

3. Account na tatanggap ng Commission

Pumili kung saan ipapadala ang commissions na kinita mo.

4. Delay Time

I-set kung gaano kabilis lumalabas ang trades mo sa Tradewall ng Copy Trading.

5. Strategy Name & Description

Bigyan ng pangalan at maikling malinaw na paglalarawan ang iyong strategy.

Mahalagang Notes:

  • Maaari mong baguhin ang main subscription conditions isang beses kada 24 oras, maliban tuwing Biyernes 11:00 PM – Sabado 12:00 AM (server time).
  • Ang updates sa main settings ay nag-e-effect tuwing Lunes. Ang changes na ginawa sa weekend ay mag-e-effect sa susunod na Lunes.
  • Para mabago ang commission scheme, siguraduhin na walang open positions sa account; kung meron, sa susunod na Lunes pa ito mag-a-apply.
  • Extra settings ay puwedeng baguhin anumang oras (hindi hihigit sa isang beses kada oras) at nag-a-apply agad pagkatapos i-save.

Nakatulong ba ito?