May iba’t-ibang paraan para mag-open ng position sa trading terminal. Heto ang mga karaniwang paraan:
- Piliin ang instrument sa quotes panel (o iba pang panel na nagpapakita ng instruments).
- Mag-right click sa instrument ticker at piliin ang “Bagong order” mula sa menu.
- Ilagay ang parameters ng order (klase, volume, Stop Loss at Take Profit levels).
- Piliin ang direksyon ng order (Buy o Sell) at i-click ang naaangkop na button.
Pwede ka ring mag-open ng bagong position mula sa main menu ng terminal o gamitin ang “One-Click Trading” na feature.