Ang pending order ay isang bilin mula sa kliyente na bumili at magbenta ng isang financial instrument sa isang nakatakdang presyo sa hinaharap.
May apat na klase ng pending orders:
1. Buy Limit – Ginagamit ang order na ‘to para bumili sa sandaling naabot ng Ask price ang itinakdang lebel. Mas mataas ang kasalukuyang presyo kaysa sa inilagay na presyo sa order. Ine-execute ang ganitong order sa katumbas o mas mababang halaga kaysa sa presyo na nakalagay sa order. Kadalasan, pini-place ang Buy Limit orders kapag inaasahan ng trader na bababa ang presyo papunta sa isang nakatakdang lebel bago ‘to tumaas ulit.
2. Buy Stop – Ginagamit ang order na ‘to para bumili sa sandaling naabot ng Ask price ang itinakdang lebel. Mas mababa ang kasalukuyang presyo kaysa sa inilagay na presyo sa order. Kapag na-execute ito, ipi-fill ang order sa kasalukuyang presyo sa market, na maaaring iba kaysa sa presyong nakasaad sa order. Pini-place ang Buy Stop orders sa pag-asang patuloy na tataas ang presyo sa sandaling naabot nito ang itinakdang lebel.
3. Sell Limit – Ginagamit ang order na ‘to para magbenta sa sandaling naabot ng Bid price ang itinakdang lebel. Mas mababa ang kasalukuyang presyo kaysa sa inilagay na presyo sa order. Ine-execute ang ganitong order sa katumbas o mas mataas na halaga kaysa sa presyo na nakalagay sa order. Pini-place ang Sell Limit orders kapag inaasahan ng trader na tataas ang presyo papunta sa isang nakatakdang lebel bago ‘to bumaba ulit.
4. Sell Stop – Ginagamit ang order na ‘to para magbenta sa sandaling naabot ng Bid price ang itinakdang lebel. Mas mataas ang kasalukuyang presyo kaysa sa inilagay na presyo sa order. Kapag na-execute ito, ipi-fill ang order sa kasalukuyang presyo sa market, na maaaring iba kaysa sa presyong nakasaad. Pini-place ang Sell Stop orders sa pag-asang patuloy na bababa ang presyo sa sandaling naabot nito ang itinakdang lebel.
