Maaaring na-close ang trading position dahil sa isa sa mga sumusunod na dahilan:
1. Stop-Out:
Umabot sa Stop-Out level ang margin level ng iyong trading account. Ang Stop-Out ay isang order na awtomatikong ginagawa ng server para i-close ang mga position kapag bumagsak ang margin sa isang partikular na lebel. Depende sa klase ng account ang magiging porsyento kung saan mangyayari ang Stop-Out. Makikita mo dito ang kasalukuyang Stop-Out level para sa bawat klase ng account.
Margin Level = (Equity / Margin) x 100, kung saan:
– Ang margin ay ang halaga ng pera na kailangan para panatilihin ang mga open position, na nakalagay sa currency ng deposito
– Ang equity ang ang kasalukuyang halaga ng pera, na sumasalamin sa resulta ng mga open position. Kinakalkula ito bilang:
Equity = Balanse + Floating na Kita – Floating na Pagkalugi
Halimbawa:
Meron kang Pro account (Stop-Out = 40%) at deposito na 100 USD. Ang kasalukuyan mong margin ay 30 USD. Kung nagresulta sa pagkalugi na 88 USD (Equity = 100 – 88 = 12) ang open positions mo, ang kalkulasyon ay magiging:
Margin Level = 12 / 30 x 100 = 40%.
Sa puntong ito, magkakaroon ng Stop-Out, at iko-close ang mga position mo dahil sa hindi sapat na pera.
2. Na-execute ang Stop Loss o Take Profit:
Umabot ang presyo ng asset sa Stop Loss o Take Profit level, kaya awtomatikong na-close ang position.
3. Trailing Stop:
Na-activate ang trailing Stop, kaya na-close ang position.
4. Mga corporate event:
Hindi ito naproseso ng kumpanya dahil sa isang corporate event. Magbasa pa tungkol dito.
5. Nag-expire ang CFD sa Futures:
Umabot na ang trading instrument sa petsa ng pag-expire ng contract (CFD sa Futures).