Welcome Bonus 30 USD - The program conditions

  1. Pangkalahatang patakaran
    1. Ang 30 USD Welcome Bonus (na mula ngayon ay tatawaging Welcome Bonus) ay espesyal na kapital na binibigay sa mga kliyente ng RoboForex na nakakumpleto sa mga kundisyon ng programa.
    2. Ang halaga ng Welcome Bonus ay 30 USD o 3,000 sentimo (depende sa klase ng account). Pwedeng makatanggap ng Welcome Bonus ang mga account na may EUR na base currency. Sa ganitong kaso, iko-convert sa EUR ang halaga ng Welcome Bonus ayon sa pansariling exchange rate ng Kumpanya.
    3. Ang Welcome Bonus ay para lamang sa mga sumusunod na klase ng account na may base currency na USD o EUR at binuksan gamit ang MetaTrader 4 at MetaTrader 5 platform: ProCent at Pro.
    4. Ang Welcome Bonus ay hindi matatanggap ng mga kliyenteng sumali na dati sa promo ng Welcome Bonus.
    5. Para makuha ang Welcome Bonus, kailangan mong kumpletuhin ang mga sumusunod na kundisyon:
      1. Ipasa ang personal na impormasyon na naglalaman ng dalawang hakbang – ang pag-verify ng pasaporte at pag-verify ng address.
      2. I-verify ang numero ng mobile.
      3. Magdeposito sa trading account ng hindi bababa ng 10 USD o 10 EUR gamit ang bank card. Tatanggapin lang ang mga deposito na gagawin gamit ang China UnionPay, Maestro, MasterCard, at VISA cards. Hindi kasama ang mga deposito na gagawin sa pamamagitan ng mga virtual card na in-isyu ng mga sistema sa pagbabayad, pati mga prepaid card.
    6. Isang beses lang makakatanggap ng Welcome Bonus ang bawat kliyente.
    7. Hindi tumatakbo ang programa sa mga rehiyon kung saan hindi pwedeng magdeposito sa trading account gamit ang bank card, pati sa mga bansa kung saan hindi nagbibigay-serbisyo ang Kumpanya.
    8. Ang Welcome Bonus ay para lamang sa mga account na may leverage na hanggang 1:1000 (hindi pwedeng taasan ng mga makakakuha ng bonus ang leverage ng kanilang account).
  2. Pagkuha ng Welcome Bonus
    1. Para matanggap ang Welcome Bonus, kailangan mong i-activate ang espesyal mong code sa Members Area. Ipinapadala ang code sa email address na binigay ng kliyente noong nagrehistro siya.
    2. Para sa mga kliyenteng nakakumpleto ng lahat ng kailangan para matanggap ang Welcome Bonus (artikulo #4 nitong Patakaran), awtomatikong ipapadala ang email na naglalaman ng espesyal na coupon code.
    3. Para ma-activate ang code ng Welcome Bonus, kailangan mong:
      1. Pumunta sa seksyon ng "Iba pa" sa Members Area.
      2. Ilagay ang natanggap mong code sa kaugnay na field.
      3. Piliin ang trading account kung saan ilalagay ang Welcome Bonus.
      4. Basahin ang kondisyon ng programa at i-tick ang kahon kung sumasang-ayon ka.
    4. Ipapadala ang Welcome Bonus sa account ng kliyente sa loob ng 5 business days.
    5. Limitado lang sa 30 days ang paggamit ng espesyal na code. Kung hindi magagamit ang code sa loob ng panahong ito, awtomatiko itong kakanselahin at mamarkahan bilang "Nag-expire".
  3. Paggamit ng Welcome Bonus
    1. Pwedeng gamitin sa pag-trade ang sariling pondo ng Kliyente at ang dagdag na pondo nang walang limitasyon at restriksyon. Sa ganitong kaso, pwedeng magamit ang dagdag na pondo kapag may "drawdown" – sa ibang salita, hindi ito mawawala sa account kung ang equity ng account ay mas mababa kaysa sa dagdag na pondo, hanggang sa magkaroon ng stop-out.
    2. Pwedeng i-withdraw ng Kliyente mula sa account ang sarili niyang pondo at ang kita nang walang limitasyon.

      Halimbawa

      Nagdeposito ka sa account mo ng 1,000 sentimo at nakatanggap ka ng 3,000 sentimo bilang Welcome Bonus. Pagkatapos mong mag-trade, kumita ka ng 1,000 sentimo. Ayon sa kondisyon ng programa, kabilang sa halagang pwedeng i-withdraw ay ang kita mo na 1,000 sentimo at sarili mong pondo na 1,000 sentimo rin.

    3. Kapag may "drawdown", unang mawawala sa account ang sariling pondo ng kliyente, kahit na sa pagkakataong ginawa ang deposito pagkatapos matanggap ang Welcome Bonus.

      Halimbawa

      Nagdeposito ka sa account mo ng 1,000 sentimo at nakatanggap ka ng 3,000 sentimo bilang Welcome Bonus. Pagkatapos mong mag-trade, nalugi ka ng 500 sentimo. Ang pagkalugi ay kukunin mula sa sariling pondo ng kliyente at ang halagang pwedeng i-withdraw ay 500 sentimo, na sumasalamin sa sariling pondo ng kliyente na binawasan ng nasabing pagkalugi.

  4. Pagkansela at pag-write off
    1. Sa sandaling nagkaroon ng stop-out, tatanggalin ang dagdag na pondo mula sa account ng kliyente.
    2. May karapatan ang kliyente na tanggihan ang nakuhang Welcome Bonus anumang oras.
    3. Sa mga kasong hindi nabanggit sa itaas, hindi tatanggalin mula sa account ng kliyente ang nakuhang kita mula sa pag-trade ng Welcome Bonus at ang sarili niyang pondo.
    4. Pakitandaan na may karapatan ang RoboForex, sa anumang oras at nang hindi nagbibigay ng anumang dahilan, na tanggihan ang pagbibigay ng Welcome Bonus o tanggalin ang in-isyu na 30 USD Welcome Bonus sa account, at bawiin (kanselahin) ang lahat ng transaksyon na ginawa gamit ang dagdag na pondo. Itinuturing na tinatanggap (sinasang-ayunan at kinikilala) ng Kliyente ang kondisyong ito mula sa sandaling nadeposito ang 30 USD Welcome Bonus sa kanyang trading account.