Pwede mong pamahalaan ang mga subscription mo sa Members Area. Sa bawat istratehiya na naka-subscribe ka, pwede mong:
1. Ihinto ito. Pagkatapos ma-enable ang Ihinto na mode:
- Hindi makokopya sa account mo ang bagong trades mula sa istratehiya
- Mananatiling bukas ang lahat ng trades na kinopya bago ang sandaling iyon at iko-close kapag nagdesisyon ang may-ari ng istratehiya na i-close ito
- Makakasama ka pa rin bilang aktibong subscriber sa istratehiya na ito
2. Kanselahin ito
- Ang lahat ng trades na kinopya bago ang puntong iyon ay mananatiling naka-open at buong-buo mong makokontrol
- Ang anumang komisyon na ipapataw sa mga na-close na trades ay ibabawas sa account mo sa loob ng ilang minuto pagkatapos itigil ang pag-subscribe