
Ilista ang iyong strategy sa Copy Trading rating, akitin ang mga subscriber gamit ang iyong trading results, at idagdag hanggang 50% ng kanilang kita sa iyo.
ng kabuuang kita ng mga subscriber mo
Binabayad isang beses kada 1, 2, o 4 na linggo
Piliin ang paraang itoPiliin kung magkano at gaano kadalas ibabayad sa'yo ang komisyon mula sa mga subscriber mo. Awtomatikong ibabayad sa account mo ang halagang ito – patuloy lang na mag-trade at ang sistema namin ang bahala sa iba.

Kung gusto mong subukan ang istratehiya mo sa copy trading o ang mga kondisyon sa RoboForex bago ka sumali, may tool kami na bagay para sa'yo: ang ProCent account. Mag-test muna nang may mas mababang risk at kapital pero sa tunay na kondisyon ng market.
Subukan ang sistema sa copy trading na idinisenyo para makapag-ugnayan nang mas mahusay ang traders.

Bukod sa iyong komisyon bilang Copy Trader, maaari ka ring kumita bilang Partner sa pamamagitan ng pagre-refer ng mga bagong kliyente sa RoboForex: nagbabayad kami ng hanggang 85% mula sa spreads at 30% mula sa swaps batay sa kanilang trading activity.
Ang Copy Trading ay isang serbisyo na nagbibigay-daan sa mga user na kumonekta at awtomatikong kopyahin ang mga trading strategy ng isa’t isa.
Pwedeng i-share ng trader ang istratehiya nila sa copy trading at kumita ng komisyon mula sa kikitain ng kanilang mga subscriber.
O pwede rin silang maging subscriber, sundan ang pinakakumikitang miyembro ayon sa rating, at kumita sa kanilang account nang hindi nag-iinstall ng trading terminal.
Ang Copy Trading Service ay isang teknolohikal na solusyon na isinama sa RoboForex, na nangangahulugang hindi mo kailangang mag-install ng anumang karagdagang software upang magamit ito.
Parehas ang ibig sabihin ng copy trading at social trading, na isang klase ng sistema kung saan pwedeng kopyahin ng user ang istratehiya ng iba.
Depende ang prosesong ito sa platform kung saan mo gustong i-share ang istratehiya mo.
Para sa MetaTrader 4
Magrehistro sa RoboForex, at pagkatapos kumpletuhin ang form sa Magbukas ng Copy Trader MT4 trader account sa Members Area.
Para sa MetaTrader 5
Magrehistro sa RoboForex at magbukas ng kahit anong MT5 account na naka-enable ang sistema sa pag-hedge.
Para sa R StocksTrader
Magrehistro sa RoboForex at magbukas ng R StocksTrader account na naka-enable ang sistema sa pag-hedge.
Pagkatapos magbukas ng tamang klase ng account, kailangan mong magdeposito ng hindi bababa sa 100 USD para makapaglagay ka ng kondisyon sa pag-subscribe dito at masimulang i-share ang istratehiya mo.
Karamihan sa komunidad ng Copy Trading ay mas gusto ang MetaTrader 4 kaysa sa ibang mga platform. Mas marami ang potensyal na investors dito, pero mas matindi rin ang kompetisyon.
Sa kabilang banda, sa MetaTrader 5 at R StocksTrader, bagamat mas kaunti ang potensyal na subscribers, baka mas mabilis na madiskubre dito ang istratehiya mo.
Sa kasalukuyan, hindi pa sinusuportahan ng Copy Trading Service ang cross-platform copying, ngunit maaari mo pa ring ilista ang iyong mga strategy sa iba’t ibang platform sa pamamagitan ng paggawa ng hiwalay na trader account para sa bawat isa.
Ang Performance Fee ang pinakapopular na commission scheme sa mga Copy trader. Pinapayagan ka nitong makakuha ng komisyon kahit na hindi kumikita ang lahat ng trades, basta't matagumpay ang pangkabuuang resulta.
Kapag pinili mo ang Singil sa Performance, magtatakda ka ng porsyento – mula 5 hanggang 50% – na ibabawas bilang komisyon sa pangkalahatang kita ng mga subscriber mo.
Ang Singil sa Pag-subscribe ay eksklusibo lang para sa mga gumagamit ng MT5. Sa feature na 'to, pwede kang magtakda ng halaga – mula 5 hanggang 100 USD – na kailangang bayaran ng mga subscriber mo sa bawat nakasaad na panahon ng investment kung sakaling kumita ito.
Ang Trader na Walang Komisyon ay nakakatulong sa mga bagong istratehiya para makahikayat ng mas maraming traders sa pamamagitan ng hindi paniningil ng komisyon.
Sa kabuuan, matatanggap mo ang komisyon pagkatapos ng panahon ng pag-iinvest na ilalagay mo sa iyong account. Ang panahon ng pag-iinvest ay pwedeng tumagal ng isa, dalawa, o apat na linggo.
Ililipat sa account mo ang komisyon tuwing Sabado ng 1:00 AM oras sa server (para sa mga Singil sa Performance) o tuwing hatinggabi ng Lunes (para sa Singil sa Pag-subscribe) sa katapusan ng panahon ng pag-iinvest.
Kapag kinansela ng subscriber mo ang subscription bago matapos ang panahon ng pag-iinvest, ililipat ang komisyon sa account mo sa loob ng ilang minuto pagkatapos itong kanselahin.
Sa kalahatan, hindi mo isi-share ang kabuuang pamamaraan mo para makopya ito ng iba. Sa halip, magkaka-access lang ang mga subscriber sa bawat indibidwal na trade na gagawin mo sa iyong istratehiya.
Ibig sabihin, pwede kang gumawa ng anumang istratehiya, kahit na intraday, scalping, o iba pa. Kahit na gumagamit ka ng Expert Advisors, pwede ring kopyahin ng mga subscriber mo ang gagawin nitong trades.
Kapag nagdeposito ka ng hindi bababa sa 100 USD sa iyong Copy Trader MT4 account, pwede mo nang ilagay ang mga kondisyon sa pag-subscribe gamit ang Members Area.
Sa hakbang na 'to, pipili ka ng:
Pakitandaan na kung gagamitin mo ang R StocksTrader platform, pwede mo lang ilagay ang kondisyon sa pag-subscribe gamit ang mobile app o sa mobile na bersyon ng platform.
Upang ma-set ang subscription conditions sa iyong Copy Trading account, kailangan mong magdeposito ng hindi bababa sa 100 USD.